Hi Baby! Happy Birthday♥ I so love you
RSS

Friday, July 6, 2012

For My Baby Sungki

Ako'y merong tanging kasintahan
Na di mahuhuli sa kantahan
Lagi kang merong maaasahan
Na puso mo'y di dapat kabahan

Mahilig sya  sa sangkaterbang bag
May malaki din syang eyebags
Ikaw man ay laging kinakabag
Puso mo'y kanya'y di malalabag

Tawa niya'y kasing ingay ng batis
Tinalo pa ang tunog ng kwitis
Ngunit ngiti nya ay walang mintis
Kaya di ko sya kayang matiis

Pag ibig nya'y walang kasing lupit
Na ang sarap-sarap kung kumapit
Maging kaamoy ka man ng arm pit
Siya pa din sayo ay lalapit

Puso ko ay tindahang may suki
Na mayroong kandadong malaki
Tanging 'kaw lang ang may hawak ng key
Nag-iisa kong mahal na sungki

Happy birthday, Baby!! :-*

0 comments:

Post a Comment